|
malvar_renel
|
PATAKARAN SA SERVICE AWARD
Sa panuntunan, ang service award o benepisyong matatanggap sa pagtatapos ng kaniyang kontrata ay tumutugon sa gantimpalang ibinibigay sa mga trabahador na tuloy-tuloy ang pagtatrabaho ayon sa bilang ng taon niyang pamamalagi sa pinapasukan. Pangkalahatan, ang gantimpala o benepisyong ito ay ipinagkakaloob sa araw ng huli niyang paglilingkod o sa araw ng huling termino ng kaniyang kontrata.
Ang pagkakaloob ng service award sa ilalim ng batas ay nakadepende sa uri ng kontrata na napagkasunduan ng magkabilang partido, i.e., kahit nakasulat o hindi man ang tiyak na panahon.
1)Para sa kontratang nakasulat ang tiyak na panahon, at ang kontrata ay natapos na, ang trabahador ay may karapatang bigyan ng gantimpala sa kaniyang panahon ng paglilingkod na ang basihan ng pag tutuos ay kalahati (1/2) ng buwan na suweldo kada taon sa loob ng unang limang taon at isang (1) buwan ng suweldo sa bawa’t sumusunod na taon. (Art. 84,SLL)
2) Para sa kontratang walang nakasaad na tiyak na panahon, ang trabahador na nagbitiw o kinansela ang kontrata ay makakatanggap pa rin ng gantimpala para sa panahong pinaglingkod niya sa serbisyo at ang pagtutuos nito ay ikatlong bahagi ng kaniyang buwanang sueldo sa kasong may tiyak na panahon (i.e.i ika-anim na bahagi ng gantimpala), kung ang kaniyang serbisyo ay hindi bababa sa magkasunod na dalawang taon at hindi hihigit sa limang taon. Kung ang kaniyang nagging serbisyo ay higit pa sa limang (5) taon pero kulang sa sampung taon, siya ay makakatanggap ng dalawa’t tatlong bahagi (2/3) ng kaniyang sahod. Ang trabahador ay makakatanggap ng buong gantimpala kung ang kaniyang serbisyo ay higit pa sa sampung taon. (Art.85, SLL)
Mahalagang mabanggit na ang walang kasiguruhang kontrata, ang trabahador na nagbitiw ay walang makukuhang service award kung ang kaniyang naibigay na serbisyo ay kulang sa dalawang taon.
Gayunman, dapat lang tandaan na kapag ang employer ang siyang nagkansela ng kontrata na walang tiyak na panahong nakasulat dito, ang trabahador ay makakatanggap ng parehas na benepisyo o gantimpala tulad sa kontratang may nakasulat na tiyak na panahon.(Art. 86,SLL)
End-of-Service Award
Article (84):
Upon the end of the work relation, the employer shall pay the worker an end-of-service award of a half-month wage for each of the first five years and a one-month wage for each of the following years. The end-of-service award shall be calculated on the basis of the last wage and the worker shall be entitled to an end-of-service award for the portions of the year in proportion to the time spent on the job.
Article (85):
If the work relation ends due to the worker’s resignation, he shall, in this case, be entitled to one third of the award after a service of not less than two consecutive years and not more than five years, to two thirds if his service is in excess of five successive years but less than ten years and to the full award if his service amounts to ten or more years.
Article (86):
As an exception to the provision of Article (8) of this Law, it may be agreed that the wage used as a basis for calculating the end-of-service award does not include all or some of the commissions, sales percentages, and similar wage components paid to the worker which are by their nature subject to increase or decrease.
Article (87):
As an exception to the provisions of Article (85) of this Law, the worker shall be entitled to the full award if he leaves the work due to a force majeure beyond his control. A female worker shall likewise be entitled to the full award if she ends her contract within six months from the date of her marriage or three months from the date of giving birth.
Article (88):
Upon the end of the worker’s service, the employer shall pay his wages and settle his entitlements within a maximum period of one week from the date of the end of the contractual relation. If the worker ends the contract, the employer shall settle all his entitlements within a period not exceeding two weeks. The employer may deduct any work-related debt due to him from the worker’s entitlements. |
|
|
|
malvar_renel
|
KARAGDAGANG IMPORMASYON TUNGKOL SA KARKUSYON NG BENIPISYONG MATATANGAP NG ISANG MANGGAGAWA SA KAHARIAN NG SAUDI ARABIA
Artikulo 88:
Kapag natapos na ang kontrata ng manggagawa, babayaran siya ng kanyang benepisyo sa loob ng maximum period na isang linggo.
Kung ang manggagawa ang siyang nag-terminate ng kontrata, babayaran siya ng kumpanya ng kanyang benepisyo nang hindi lalampas ng 2-linggo. Karapatan ng kumpanya na ibawas ang lahat ng utang ng manggagawa.
Walang Makukuhang End of Service Benefits (ESB) ang mga manggagawang naglilingkod sa pamilya at mga magbubukid, maliban kung nakasaad ito sa kanya-kanyang kontrata dahil hindi sila sakop ng batas sa paggawa – Artikulo 7.
SAMPLE NG ESB CALCULATION – Artikulo 84:
Narito ang pinakasimpleng calculation. Halimbawa:
Starting salary: SR1800
Last salary: SR2500
Ang basehan ng calculation ay hindi yong starting kundi yong last salary na SR2500.
Allowances:
Food allowance: SR200
Housing allowance: SR300
Transportation / Mobile Phone allowance: SR200
Total Monthly Wage: SR2500 + 200 + 300 + 200 = SR3200 (basehan ng calculation) SR3200 divided 2, times 5 (years) = SR8000 (ESB for the first 5 years)
SR3200 times 3 = SR9600 (ESB for the 6th , 7th and 8th years)
Therefore: SR8000 + SR9600 = SR17, 600 (Total ESB for 8 years)
NOTE:
Iba ang kalkulasyon sa Artikulo 85. Fraction lamang ng kabuuan ang makukuha, maliban kung mahigit naka-sampung taon na sa serbisyo na buong halaga na ang matatanggap.
TERMINATION NOTICE:
Huwag magre-resign kung premature pa ang kontrata. Magbigay ng 30-day notice ayon sa Artikulo 75 kung ito ay indefinite/unspecified period.
Dapat na may pirma/acknowledgment ang supervisor o kaya ng Human Resources sa kopya mo ng termination notice, na natanggap nila ang iyong abiso.
Kung ayaw tanggapin ang notice, ipadala by registered mail. Itago ang registration slip dahil magagamit mo ito kung dumating ang araw ng iyong pag-uwi na ayaw kang paalisin. Patutunayan ng registration slip o kaya ng acknowledged or received copy ng iyong abiso na sinabihan mo ang kumpanyang hindi ka na magpapatuloy sa iyong kontrata (kung irereklamo ang kumpanya sa korte ng Labor). Hangga’t maari, huwag gagamitin ang salitang “resign” kundi “contract completion,” kung natapos na ang kontrata.
Bagama’t matatapos ang definite/specified contract sa kanyang expiry (Artikulo 74.2), mas mabuti pa ring magpaalam nang maaga sa kumpanya mas mainam kung ikaw ay mag papasa ng sulat dalawa o tatlong buwan pa bago matapos ang iyong kontrata. kung ayaw mong ma-renew pa ito upang makahanap sila ng papalit sa puwesto mo at hindi mabibinbin ang iyong pag-uwi. |
|
|
|